Jay R nagsalita na sa kasal nila ni Krista Kleiner

NAGSESELOS din minsan ang R&B singer na si Jay R lalo na kung tagos sa laman kung tumingin ang kalalakihan sa kanyang beauty queen/girlfriend na si Krista Kleiner (Bb. Pilipinas-International 2010). Ito ang pag-amin ni Jay R kung mahirap ba magkaroon ng isang girlfriend na beauty queen.

Pang-limang TV series  na pala ng rhythm and blues singer ang  “Magic Palayok”. Una niyang ginawa, ang “Narito ang Puso”, sinundan ng “Love to Love”, ang fantaseryeng “Encantadia” at ang Pinoy adaptation ng Mexicanovela na “La Lola”.

Malapit nang ikasal ang kanyang kaibigang R&B princess na si Kyla.

Happy naman si Jay R para kay Kyla. At kung alukin siyang kumanta sa kasal ng kaibigan ay very willing naman  siya.

Kailan naman nila balak ni Krista na magpapakasal?

Napag-uusapan din nila ito pero walang definite date o year. Bata pa naman daw sila, ha-ha-ha!

Ayaw nang restaurant business ni  Jay R. Mistulang may phobia na ang actor/singer sa nangyari sa kanyang business sa Glorietta. Hindi naman daw siya nabayaran o ang insurance nito.

Kaya nag-iba siya na lang ng negosyo, in line sa kanyang trabaho, ang recording business, tinawag niya itong Homeworkz.

Dalawang bagong local talents muna ang hinuhubog ng kanyang company, ang Shalow (ala-Lady Gaga ang dating) at ang Q-York, isang hip-hop group.

JAY R GINAWAN NG DANCEABLE ALBUM SI KRISTA KLEINER

Ang kanyang pangatlong artist ay ang kanyang girlfriend na si Krista.

Idea ni Jay R na pasukin ng kanyang syota ang recording. Isang danceable album na ilalabas na sa darating na August 2011.

Ani Jay R bago  mawala ang CD/DVD albums  (magiging digital  na thru download) ginawan na niya ang kanyang future wife.

Speaking of “Magic Palayok”,  kasama rito sina Carla Abellana, Geoff Eigenmann, Manilyn Reynes, Chynna Ortaleza, Angeli Nicole Sanoy, JayR, Gino dela Pena, Lou Sison, Vicky Ortega, Frank Garcia, Nixon Castro, Bianca Umali, Francesca Salcedo, Luigi Revilla, Ernie Zarate at Cherie Gil. May special participation si Mikee Cojuangco. Sa direksyon ni Joel Lamangan. Magsisimula na sa Lunes, Feb. 28, bago mag-“24 Oras”.

OooO

Bongga ang pagbubukas ng bagong news and sports channel ng TV5 na AksyonTV UHF Channel 41 dahil isang bigating boxing championship bout ang eere dito ng live via satellite mula sa Craneway Pavilion, Point Richmond, California! No less than the much-awaited battle ng Fil-Am WBO Super-Bantamweight champion na si Ana Julaton laban sa astig na beteranang American boxer na si Franchesca Alcanter ang mapapanood ng libre at live na live ng mga Pinoy ngayong Sabado, Pebrero 26, mula 12:00nn hanggang 2:00pm!

Mukhang lalong magliliyab ang boxing fever sa bansa dahil katatapos lang ang two-round knockout win ng Pinoy na si Nonito Donaire Jr. laban sa Mexican na si Fernando Montiel nung Linggo, heto naman at ang Pinoy pride sa women boxing na si Ana Julaton naman ang sasabak para depensahan ang kaniyang championship belt. Hindi na kami magtataka kung mabawasan na naman ang traffic sa kalye at panandaliang huminto ang normal na buhay sa kalsada ngayong Sabado dahil tututok ang mga Pinoy sa Julaton-Alcanter boxing bout na ekslusibong eere sa TV5 at AksyonTV lamang. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply