JB Guce best jockey sa 2010

KAHIT sinuspinde ng isang taon ng racing committee dahil sa umano’y pandaraya sa karera, masaya pa ring tinanggap  ni class A rider Jessie B. Guce ang tropeo bilang jockey-of-the-year  sa naganap na PSA-Coca-Cola Annual Awards Night sa Manila Hotel.

Si JB Guce, anak ng tinaguriang “El Maestro” ng karerahan na si former star jockey Jesus Cortez Guce, ay nasungkit ang ikalawang sunod na prestihiyosong parangal para sa mga hinete matapos ang magandang performance noong 2010 calendar race sa dalawang pista.

Samantala, si Yes Pogi na pag-aari ni Francis Lim ang tinanghal na Horse-of-the-year.

Si Yes Pogi ang nagkapeon sa 2010 Presidential Gold Cup na nirendahan ng beteranong hinete na si Manolito “Butchoy” Daquis.

Nakatakda naman umapela ni Guce sa mga opisyales ng karerahan matapos siyang suspindihin dahil sa akusang ibiniyahe ang kabayong si Living Stone. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply