JC de Vera kahit type si Jazmin Curtis behave sa anak ni Daisy Romualdez

EXCITED si JC De Vera  sa TV remake ng ‘Utol Kong Hoodlum’ sa TV5 na pinagbidahan sa pelikula noong 80’s ng tinaguriang Bad Boy ng Philippine Cinema na si Robin Padilla.

“Sobrang saya ko kasi fan din ako ni Sir Robin,  tapos gusto ko ring talaga gumawa ng action para lang maiba rin naman sa mga ginagawa ko,”sey ni JC nung Sabado, March 19 sa  blessings ng bagong opisina ng Royale Artist Management, Inc. na  matatagpuan sa 4th floor ng Imprerial Palace Q.C

Ganunman, nahihiya raw si JC kay Robin. At ang dahilan niya: “Kasi siyempre maki-criticize ako kung paano kong aatikihin yung role. Tapos siyempre si sir Robin, kumbaga icon na yan,e,  tapos ako bigla ang gagawa, parang nahihiya ako sa kanya baka mamaya kulang ‘yung maipakita ko o medyo hindi ko magawa ng maayos ‘yung role.

“Pero  inihanda ko rin naman talaga yung sarili ko para dun. Ayun, nag-i-MMA fighting na ako ngayon, nagti-training ako once or twice a week. Pag may free time, nandun ako. Tapos ayun regular gym.

“Nahihiya din ako kasi baka mamaya sabihin ng tao ginagaya ko si Sir Robin e, nasa TV naman siya, naisip ko baka puwedeng lagyan lang ng konting twist para hindi talaga gayang-gaya.

“Mahirap din kasi palang gumawa ng action sa TV. Kahit yung mga direktors, staff nahihirapan pag full- time action talaga.

“Nakilala si Robin bilang isang action star. Pero sa lahat ng pelikulang ginawa niya hindi lang siya nag-a-action kundi nagku-comedy din. Kaya niya rin ba ang nag-a-action and at the same time ay nag-comedy din?

“Ano kasi, yun yung mahirap pagdating sa TV kasi nag-aano kami sa script e. Ako talaga sumusunod ako sa script, e. In fairness naman dun sa mga script writers namin, naglalagay naman sila ng mga scenes na may action-comedy. Tapos ayun ‘yung sidekick ko si Empoy, kahit normal yung scene nagiging comedy dahil sa kanya. Very thankful din ako na si Empoy yung naging sidekick ko  kasi ang galing sa comedy tapos nagdya-jive din kami as mag-sidekick e kaya sobrang saya ko e.”

Mukhang nalilinya na sa action si JC. Nang maging featured artist siya noon sa 5 Star Special Presents ay may mga episodes siya rito kung saan ay nag-action din siya.

‘Yun na ba ang ang plano sa kanya ng TV5, ang i-build-up siya bilang isang action star? “Hindi naman,”tanggi ni JC.

“Kasi yung sa 5 Stars, pina-testing lang nila ako na mag-action. E ako naman kasi kung ano man ang ibinigay sa akin, pinaghahandaan ko talaga yun. And ayoko naman mapahiya sa mga tao na eto yung binigay sa akin tapos hindi ko seseryosohin. Siguro nakitaan nila ako na seryoso ako na mag-action,yung dedication ko sa show nandun, kaya siguro ako nga yung pinili nila para sa Utol Kong Hoodlum.”

Napanood niya ba ang Utol kong Hoodlum?
“Oo,pinanood ko siya sa You Tube. Meron talagang mga movies si Sir Robin sa You Tube, halos lahat nandun,”

Nakapagsimula na ng taping sina JC ng Utol Kong Hoodlum. Pero natigil ito dahil hindi available ngayon ang ilan sa casts nito.

“Naka-6 weeks taping na kami,kaya lang na-stop kasi halos lahat ng cast wala. Unang-una si Jas (Jasmine Curtis) nasa Australia. Tapos si Jay Manalo, may Babaeng Hampaslupa, nasasagad siya dun. Si Arci (Munoz), may Mga Nagbabagang Bulaklak. Si Empoy naman din, ganundin busy siya ngayon. Kaya yung shedule nagkagulo-gulo muna. Pero magri-resume na kami by next week kasi pauwi na si Jas. Kailangan na naming mag-taping ulit.”
Si Jasmine ang kapareha ni JC sa UKH. Attracted ba siya kay Yasmine?

“Pag sinabing naa-attract kay Jas,as in very attractive naman talaga siya. Kasi yung personality niya, very pleasing tapos very friendly pa siya sa lahat. So kahit anong gawin mo maa-attract ka sa kanya.”

So kung walang Danita Paner sa buhay niya, pwedeng mahulog ang loob niya kay Jasmine?

“Why not, di ba? Wala namang masama siguro. Pero yun nga e kailangang maihiwalay mo yung work sa mga ganung bagay.  Si Jas naman sa tingin ko, yun din naman ang ipinunta niya rito yung work.’
Di ba karamihan ng nakakapareha niya ay nililigawan at nakakarelasyon niya?

“Ay hindi naman lahat. Eto namang si Jas, hindi e. Behave ako ngayon. Baka barilin ako ni tita Daisy Romualdez ,” natatawang pahayag  ni JC.

-0o0-

Nandito na pala sa bansa ang OFW  singer at Asia’s singing sensation  na si Clifford Allen Estrala para sa kanyang show sa Metro Bar,West Avenue, QC  sa March 27, 9 P.M.

Ang life story ni Clifford ay ipinalabas sa MMK na kung saan ay ginampanan ni Eric Santos.

Nalungkot nga si  Clifford dahil nirequest niya na makasama si Eric sa naturang show pero may conflict sa schedule. Pinabulaanan niya na inisnab siya ni Eric.

So, si Juris na  at si Katherine Luna ang kanyang special guest sa kanyang show entitled ‘Voices  From Asia (My Homecoming)’. Prodyus ito ng kanyang manager na si Bert Manalo under BRM Talent Production.

Pagdating na pagdating ni Clifford ay nagshow siya sa debut at kapistahan sa Iloilo. Pero ngayon gusto niyang maraming ginagawa habang nasa Manila para hindi masayang ang oras niya at bago bumalik sa Macau.

Sey mo Bert!

-0o0-

Mas mature na ‘Captain Barbell’ ang character na  mapapanood kay Richard Gutierrez.

Ang goal nila  ay malampasan  ang unang  version ng kanyang ‘Captain Barbell’. “Ang goal namin is to create something na tala­gang malalampasan namin ‘yung unang Captain Barbell.”

Marami ang nagtatanong kung  mag-on  na ba sila no Solenn Heussaff dahil magkasama na naman sila sa naturang serye?

“Well, para sa akin kasi, hindi minamadali ‘yung mga ganyang bagay.

When it comes to my personal life, I’m very careful. Kasi, sobrang busy ko na nga sa trabaho. Ayoko nang madaliin pa ‘yung kung anuman ‘yung nasa personal life ko, ‘di ba? “So ngayon, sobrang busy ako sa work. I’m working everyday and I’m happy being single. I can go out with my friends and spend time with my family. So, ‘yun muna for now,”  bulalas ng guwapong actor nang makatsikahan namin sa blessings ng bagong opisina ng blessings ng Royale Artist Management.

Nag-react din si Richard   sa bagong pictorial ni Solenn sa FHM na kung saan ay cover ito. Bago raw lumabas ito ay nakita na niya ang rough copy. Maganda   raw ang naturang sexy pictorial. Pero mas daring si Solenn sa kalalabas lang na Vantage photo book ni Nicdao na hubo’t hubad ito sa pictorial.

“She told me that she wants to do that now while she has the body. At pagtanda niya, puwede niyang balikan ‘yon,” aniya.

Kaya ba niyang gawin din ang magpa-pictorial ngayon ng hubo’t hubad? “Malabo! Ha! Ha! Ha! Tingnan na lang natin kung anong mangyayari.Pero ‘yung ganu’ng klaseng pictorial, malabo! Ha! Ha! Ha!” sey pa ng numero unong matinee idol ng Kapuso network. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply