Jeep, truck nagbanggaan, 8 katao sugatan

SUGATAN ang walong pasahero matapos magbanggaan ang isang dump truck at pampasaherong jeepney sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng QCPD-District Traffic Enforcerment Unit, ang mga biktimang sugatan ay nakilalang sina Raquel Tampos, Rayrin Tampos, Wilfredo Montecar, Raymond Anthony Ramirez, Lyvannie Precioso, Wilma Adena, Genalyn Cobarrubias at Arjel Dela Cruz na pawang mga pasahero ng jeep.

Naganap ang insidente dakong 4:20 ng madaling araw sa kahabaan ng Quirino-Hi-way, Tandang Sora Avenue, habang minamaneho ni Tandy Apole ang kanyang pinapasadang jeep ay biglang binangga ng Isuzu dump truck (RKV-304) na minamaneho ni Nolito Andres Oco.

Dahil sa lakas ng tama ng dump truck sa jeep ay nagtamo ng injuries sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang walong pasahero nito. James de Jesus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply