Jennylyn Mercado, Albert Martinez reresbak sa Gawad Pasado

KUNG hindi sinuwerte noong nakaraang MMFF 2010 Awards Night sina Jennylyn Mercado at Albert Martinez sa pagka-Best Actress at Best Director respectively ay sila na kaya ang mamamayagpag sa Gawad PASADO?  Papasa kaya sa alituntunin ng mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo ang kanilang kakayahan na ipinakita sa kani-kanilang kategoriya?

Base sa dami ng nominasyon ng Rosario ay hindi malayong makokopo sila ng maraming tropeo at magkatotoo naman kaya ang hula na babawi ang Rosario sa mga susunod na awards night at aabot ang pananagumpay nito sa ibang bansa?

Narito ang pahayag ng PASADO, ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro para sa kanilang mga nominasyon sa ika-13 Gawad PASADO 2010.

Para sa PASADOng Pelikula sa Taong 2010:

1) Sa ‘Yo Lamang/Star Cinema, ABS-CBN; 2) Emir/VIVA

Films, Film Development Council; 3)Rosario/Cinemabuhay; 4) Noy/Cinemedia, Star Cinema, ABS-CBN at Lola/Swift Productions, Centerstage.

Para sa PASADOng Direktor:

1)Chito Rono/Emir 2) Wenn Deramas/Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To!; 3) Dondon Santos/Noy; 4) Luis C. Suarez/RPG Metanoia; 5) Laurice Guillen/Sa ‘Yo Lamang at Albert Martinez/Rosario.

Para sa PASADOng  Aktor:

1) Dolphy/Father Jejemon, 2) Yul Servo/Rosario; 3)Gabby Concepcion/I’ll Be There, Coco Martin/Noy at Christopher de Leon/Sa’Yo Lamang.

Para sa PASADOng Aktres:

1) Ai-Ai Delas Alas/Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To!, 2)Jennylyn Mercado/Rosario; 3)Rustica Carpio/Lola 4)Lorna Tolentino/Sa’Yo Lamang.

Para sa PASADOng Katuwang na Aktres:

1)Eugene Domingo/Tanging Ina Mo, Last Na ‘To!, 2)Cherry Pie Pichache/Noy, 3) Dulce/Emir at Bea Alonzo/Para Sa ‘Yo.

Para sa PASADOng Katuwang na Aktor:

1) Dolphy/Rosario, 2)Enchong Dee/Sa ‘Yo Lamang, 3)Joem Basco/Noy, 4)Sid Lucero/Rosario.

Para sa PASADOng Istorya:

1) Rondel Lindayag, Rodel Nacanceno, Francis Xavier Pasion/Noy, 2) Linda Casimiro/Lola, 3) Ricardo Lee, Karen Ramos, Ralph Jacinto Quiblat, Mia Louise Ramos at John Paul Abellera/Sa ‘Yo Lamang, 4) Elmer I. Gatchalian/Rosario at 5)Chito S. Rono at Gerry Gracio/Emir.

Para sa PASADOng Sinematograpiya:

1) Lee Meiley/Sa ‘Yo Lamang, 2) Carlo Mendoza/Rosario, 3) Niel Daza/Emir at 4) Tim Jimenez/Noy.

Para sa PASADOng Editing:

1) Marya Ignacio/Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To, 2) Renewin Alano/Noy, 3) Jerrod Tarog/Emir at 4) Efren Jarlego

Para sa PASADOng Dulang Pampelikula:

1) Shugo Franco/Noy, 2) Jerry Gracio/Emir, 3) Ricardo Lee, Karen Ramos at Ralph Jacinto Quiblat/Para Sa ‘Yo at 4) Odyssy Flores/Lola.

Para sa PASADOng Disenyong Pamproduksiyon;

1)Glenn Herbert Adriano, PDGP/Noy, 2) Rodrigo Ricio/Emir, 3) Joey Luna/Rosario at 4.) Brillante Mendoza/Lola.

Para sa PASADOng Musika:

1) Albert Chang/Rosario, 2) Ebe Dancel, Vin Dancel, Diwa De Leon, Gary Granada at Chino Toledo/Emir, 3) Von De Guzman/Sa ‘Yo Lamang, 4)Jesse Lasatin/Si Agimat at Si Enteng Kabisote at 5) Ria Osorio at Gerald Salonga/RPG Metanoia.

Para sa PASADOng Tunog:

1) Albert Michael Idioma/Dalaw, 2) Connie Valdriz/RPG Metanoia, 3.) Warren Santiago/Rosario and Ditoy Aguila/Super Inday and the Golden Bibe.

Karagdagan dito ang pagbibigay ng PASADO sa mga Natatanging GAWAD PASADO 2010.

PinakaPASADOng Guro — Tony Mabesa

PinakaPASADOng Kabataan Sa Larangan Ng Pelikula at Akademya  — Robie Domingo (Male) at Sarah Geronimo (Female).

PinakaPASADOng Bituin (PASADO Lifetime Achievement Award) — Anita Linda; PinakaPASADOng Dangal (PASADO Lifetime Achievement Award) — Brillante Mendoza

PinakaPASADOng Dangal (Yes Foundation) — Dingdong Dantes

PinakaPASADOng Pelikula sa Paggamit ng Wika — Halaw (Cinemalaya Foundation, Peliculas Lintern Studio, Los)

PinakaPASADOng Pelikula sa Paggamit ng Animasyon — RPG Metanoia (Star Cinema, Ambient Media).

Gaganapin ang GABI NG GAWAD PASADO sa Marso 30, 2011, 6:00 pm sa Rembrant Hotel, Tomas Morato Extension, Quezon City. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply