Jessica Alfaro kinasuhan na ni Hubert Webb

NAGHARAP na ng reklamo sa Parañaque prosecutors office si Hubert Webb, laban sa star witness na si Jessica Alfaro dahil sa pagbibigay umano ng maling impormasyon kaugnay sa Vizconde massacre case, kanina, Marso 18.

Ayon kay Zenaida Ongkiko-Accorda, abogado ni Webb, ang reklamo ay nag-ugat sa inilahad na kasinungalingan sa testimonya ni Alfaro na naging dahilan upang mahatulan ng pagkabilanggo ang kanyang kliyente.

“The most glaring lie was when she said that she saw Hubert raping Carmela on June 29, 1991, when the truth is that she executed an April 1995 affidavit stating that she did not enter the Vizconde residence,” pahayag ng abogado.

Nakapalood sa testimonya na nagsinungaling si Alfaro nang ipahayag nito na kilala niya si Webb, samantalang kailangan pa siyang turuan ng isang NBI agent na si Mark So at John Herra para kilalanin ang akusado sa loob ng court room.

Sa complaint-affidavit, sinabi ni Atty. Artemio Sacaguing ng NBI na si Alfaro ay impormante ng NBI na boluntaryong tumayong testigo bilang eyewitness.

Ayon sa kampo ni Webb na makaraan ang  15-taong pagdurusa sa bilangguan, nito lamang December 14 nakalaya ang napagkamalang suspek nang matuklasan ng Korte Suprema  na si  Alfaro ay “lying witness” at hindi mapagsasaligan ng testimonya.

Ipinahayag pa ng batang Webb na hindi umano siya makapapayag at hindi niya matanggap na dahil lamang sa kasinungalingan ni Jessica ay naipakulong ang pitong inosenteng tao. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply