Jinkee Pacquiao pang-give away lang ang branded bags

BONGGA as in grabe ang ginawang paghahanda ng first anniversary presentation ng Party Pilipinas last Sunday dahil hindi sa apat na sulok ng bansa ginawa ang celebration, sa Cebu, Davao, Baguio at sa GMA 7 Studio 7.

Hinati-hati ang mga Kapuso stars sa naturang apat na lugar ng bansa at simulcast na napanood ang mga production number na inihanda at apat na director din ang na-assign para sa pagdiriwang ng kanilang first anniversary.

Sa direk Mark Reyes ang nagdirek sa GMA 7, si Direk Rommel Gacho naman sa Cebu, sa Davao si Direk Ding Bolanos at si Noel Cabacungan sa Baguio.

Naiwan sa GMA 7 Studio 7, sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Marian Rivera, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado na ayaw naman magpa-interview, Kyla na malapit nang ikasal, Dennis Trillo na tulad ni Jen ay iwas pusoy sa mga reporter na ma-interview, Aljur Abrenica na takot lumapit sa mga reporter dahil tinitira raw siya, Tim Yap, KC Montero, Glaiza de Castro, mga teenstar na sina Joshua Dionisio, Barbie Forteza atbp.

In full force naman nagpakitang gilas sa Cebu ang buong cast ng Captain Barbell sa pangunguna ni Richard Gutierrez kasama sina Solenn Heusaff, Michelle Madrigal, child wonder na si Jillian Ward, TJ Trinidad atbp.

Tinutukan din ng lahat ang production number kung saan magkasama sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na hindi nagpapansinan at nagpapakiramdaman.

Kapansin-pansin din na madalas pagsamahin sa segment ng PP sina Dennis at Heart Evangelista na siya raw dahilan ng break up nina Jen at Dennis.

HEART EVANGELISTA, WALANG KINALAMAN SA DENNIS-JENNYLYN HIWALAYAN

Pero tahasan naman sinasabi ni Heart na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay nina Dennis at Jen dahil may boyfriend na raw siya.

Sa studio 7, GMA 7 ay may duet number sina Ogie at Regine pero hindi na nakita ng mga televiewer pagkatapos ng kanilang number ay nahilo si Regine at kinailangan pa alalayan ni Ogie ang wife pabalik ng dressing room.

Tamang-tama naman pagkatapos ng show ay humarap ang mag-asawang Ogie at Regine sa press at kaagad ko tinanong si Ogie da Pogi kung buntis ba si Regine kaya biglang nahilo pagkatapos ng duet number nila.

“Hindi buntis si Regine. Puyat at pagod, tapos hindi pa kumain kaya ayun nahilo. Pero okey na siya ngayon, “say ni Ogie.

True at okey na nga si Regine dahil nakangiti at bakas ang kasiyahan sa mukha habang nakikipagtsikahan sa mga reporters.

Masayang ibinalita ng mag-asawang Alcasid ang latest development ng kanilang project na Celebrity Ukay-Ukay na gagawin sa April 15-17. Nag-pledge na rin daw si Manny Pacquio na tutulong at magbibigay ng items bukod pa sa boxing gloves, shorts at T-shirts na kanyang ido-donate para sa project ng mag-asawang Regine at Ogie.

Maging ang wife ni Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquio ay magbibigay din ng mga branded bags na kasama sa kanyang collections at si Sharon Cuneta ay magpapadala rin ng items at ganoon din ang magkakapatid na sina Ruffa, Richard, Raymond at ang iba pang talent ni Annabelle Rama.

******************

Last Sunday din ginanap ang presscon ng first year anniversary ng Face to Face hosted by Ms Amy Perez sa TV5.

Tinanong ng press si Amy kung ano ang reaction niya na kahilera na niya ngayon ang mga sikat na tagapayo sa showbiz na sina Coney Reyes, Helen Vela, Tiya Dely Charo Santos-Concio at Mel Tiangco dahil na rin sa concept ng show niyang Face to

Face na marami siyang napagbabati at nabibigyan ng payo sa kanyang programa.

“Wow! It`s such an honor na masabing doon na ako papunta. Samantalang noong araw ay pinapakinggan ko lang si Tiya Dely. Si Tita Helen, alam naman nating lumaki na tayo sa Lovingly Yours. Si Tita Coney, gusto ko rin. I`d like to think na a little bit of each of them, sana may makuha ako. Di ba a little of Tita Helen, a little of Tiya Dely, a little of Tita Mel, a little of Ma`am Charo pero para masabi na ako ay pupunta na doon, eh, napakalaking honor naman yun,” nahihiya pang sinabi ni Amy.

Ask ko si Amy, bakit Thang (spealling ng Tiya gusto niyang gamitin o itawag sa kanya).

“Marami na kasi at ordinaryo na ang tawagin Ate, Kuya at Tita at Tito, di ba? Kaya nag-isip ako ng bago at kapag sinabi na Thang (Tiya) ay ako ang kaagad na papasok sa isip nila. Tulad ni Joey Marquez, kapag sinabi mong Tsong, si Joey yun, di ba,” paliwanag ni Amy.

Anyway, inamin ni Amy sa dinami-dami ng episodes (175) na naipalabas nila sa isang taon pamamayagpag ng Face to Face sa TV 5 ay may mga kuwentong hindi niya raw makakalimutan at maraming beses din na nakaka-relate siya.

Tulad ng kuwento ng away ng mag-ina dahil noon bata pa siya ay nagrebelde rin siya at naging pasaway sa kanyang magulang.

“Kung maibabalik ko lang ang buhay ko, kung nakinig lang sana ako sa nanay ko at hindi ako nagrebelde, sana ngayon yung taong mahal na mahal ko at mahal na mahal ako, puwede akong pakasalan

“Kaya lang dahil naging krung-krung nga ako`y nagrebelde at naging maldita ako, this is the price I pay now. So, I know someshow, along the way ay ang laki ng itinuturo sa akin ng Diyos na patience at talagang ipinakita Niya sa akin na: “Amy, kung naghintay ka lang , it could have been better, “ sabi pa ni Amy.

Bago natapos ang tsikahan namin kay Amy ay hiningan namin siya ng wish sa ama ng kanyang anak na si Adi, 13 years old na ngayon.

Wish ni Amy, sana raw makipag-communicate man lang si Brix Ferrariz sa anak nilang si Adi dahil kahit bali-baligtarin mo raw ang mundo ay ito pa rin ang tatay ng bata.

*************

Personal: Thanks sa mga staff ng Chinese General Hospital lalo kina staff nurse na sina Michael Ryan Avenir at Christian Calma. Ganoon din kay Ms Che Jiongco, deputy administration ng Chinese Hospital at kanyang magagandang secretary and siyempre ang mabait at magaling na doctor ng wife ko na sina Doc Antonio Chua at Doc Sia Tan. Salamat po! Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply