Jobless na college graduate pwedeng mag-pulis

HINIKAYAT ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang lahat ng college graduates na wala pang trabaho na sumapi sa puwersa ng Philippine National Police (PNP)

Sinabi ni NCRPO chief Director Nicanor Bartolome na kukuha sila ngayong taon ng dagdag na 510 pang bagong pulis makaraang itaas ang kanilang quota.

Mula sa 1,120 quota para sa Police Officer 1 (PO1), itinaas ito ng PNP at National Police Commission (Napolcom) sa 1,630 kada taon upang makamit ang police-to-population ratio na, 1:50.

Sinabi ni Bartolome na malaking tulong ang dagdag na 510 pulis na nare-recruit kada taon sa pagpapalakas ng police visibility sa mga kalsada at komunidad.

Kaugnay nito ay inimbitahan ni Bartolome ang mga kuwalipikadong aplikante, lalaki at babae, Filipino citizen, may edad na 21 hanggang 30, nagtapos ng anumang “Baccalaureate Degree” na mag-apply sa kanilang tanggapan.

Maaaring makuha ang application forms sa mga tanggapan ng Napolcom, Professional Regulatory Commission (PRC) o sa alinmang sangay ng Civil Service Commission (CSC).

Ipinaalala naman ni Bartolome na hindi kuwalipikado ang mga graduate na “dishonorably discharged” sa militar, mga naka-absence without leave (AWOL), dati nang na-dismiss sa pulisya at mga nasibak sa tungkulin sa anumang tanggapan ng gobyerno.

Hindi rin pasok sa panuntunan ang mga may nakabinbing kaso sa korte. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply