Jockey Guce 1 taon suspendido

MAGKAHALONG saya at lungkot ang nararadaman ngayon ng 2010 Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year na si Jesse Guce dahil sa isang taong suspensiyon na pinataw sa kanya ng Board of Stewards ng Philippine Racing Club (PRC).

Nakatakdang tanggapin ni Guce ang kanyang parangal Sabado ng gabi, Marso 5, sa Manila Hotel Centennial Hall.

Pumalpak si Guce sa pag-renda sa kabayong “Living Stone” sa huling takbo nito sa PRC na may distansiyang 1,000 meters.

Batay sa obserbasyon ng Board of Stewards, pagdating sa 3/8 mile mark, tila nagpigil si Guce para maging dahilan sa paghinto ng kanyang kabayo.

Sa paliwanag ni Guce ay napuna niya na masama ang hakbang ng kabayo kaya pagtawid sa 3/8 mark ay inalalayan niya ito.

Subalit sa pagsisiyasat ng beterinaryo ng karerahan ay wala namang nakitang problema sa kabayo.

Tumawid ng meta ang Living Stone sa layong 75 meters sa tumerserong Lady Diamond. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply