John Apacible pinatay ng tiyuhin

PATAY ang movie actor na si John Apacible, Enrique Apacible sa tunay na buhay, matapos barilin ng kanyang tiyuhin Linggo madaling araw, Marso 20, sa Cainta, Rizal.

Sa ulat ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto, naganap ang insidente dakong alas-2:55 ng madaling araw sa Greenland Subdivision, Brgy. San Juan ng nasabing bayan.

Pinaghahanap pa ang suspek na si Armando Rustia, 61 anyos, tiyuhim ng biktima at residente ng pinangyarihan ng krimen na tumakas sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril.

Sa ulat, nag-iinuman ang suspek at ang biktima kasama ang dalawa pang kapamilya sa harapan ng bahay ng suspek.

Subalit hindi nagtagal ang dalawang kainuman at nagpaalam na dakong alas-12:00 ng gabi at naiwan ang dalawa.

Dala ng kalasingan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magtiyuhin kung saan ay sinuntok umano ng biktima ang tiyuhin.

Mabilis na pumasok sa loob ng bahay ang suspek at kumuha ng baril kung saan ay ipinutok pa ito sa lupa bilang warning sa biktima na tumigil na at umuwi.

Gayunman ay hindi nagpaawat si Apacible, 38 anyos, kung saan ay sinira ang screen na pintuan ng bahay ng suspek at tinangka itong sugurin dahilan para barilin siya sa dibdib. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply