Jon Hall may pasasabugin sa hiwalayan nina ni Michele Madrigal

SA special screening ng “Captain Barbell” na ginanap sa  Cinema 2 ng SM City  The Block matitindi ang special effects na ginamit sa giant  metal octopus at ang matitinding labanan sa ere nina Captain Barbell (Richard Gutierrez) at  Nero (ang super villain na ginagampanan ng multi-award-winning actor na si Christopher de Leon) at iba pang makapiging-hininga sa naturang labanan.

Yes, ginastusan nang husto ang pagbabalik ng  “Captain Barbell” sa ere after five years na pinagbibidahan muli ni Richard Gutierrez.

Sa naturang special screening agaw eksena ang mga nagseseksihang  female characters lalo na ang mga leading ladies ni Richard pero ang umagaw-pansin talaga ang kasuotan ni Lovi Poe na kulay royal blue. Kung malayuan feeling mo wala siyang panloob na kasuotan.

Kinumpirma na rin ni Lovi ng gabing ‘yun na break na sila ng kanyang boyfriend na si Cong. Ronald Singson.

“I’m open now. You can date me!” ang kinilig na tugon ni Lovi bilang Althea-ang teacher ni (Lelay-Jillian Ward) na may itinatagong pag-ibig para kay Teng (Richard).

MICHELLE AT JON HALL NAG-IISNABAN

Kapuna-puna naman ang pag-iisnaban nina  Michelle Madrigal (isa sa apat na ‘babae’ ni Richard sa fantaserye). Hindi man lang sila magkatabi sa upuan at malayo rin sila sa isa’t isa sa hapag-kainan after the special screening.

Kaya sa “Showbiz Central” sa Linggo, ibubunyasg ni Jon Hall ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan ni Michelle.

Pero sa “Captain Barbell”, si Rob (Jon Hall) ang mayabang na boss ni Teng  at masugid na manililigaw ni Melanie (Isabel Oli) at  si Rob din ang  egotistic business partner  ni Anita (Michelle) . Yes, professional sila sa “Captain Barbell”.

Ang dalawa pang  babae ni Richard sa “Captain Barbell” ay sina Isabel Oli –bilang Melanie-isang mabait na nurse na may lihim na pagtingin kay Teng at Solenn Heussaff bilang Janna-isang reporter na pilit naghahanap ng scoop tungkol kay Captain Barbell.

ILLAC DIAZ MAY BUWELTA KAY ANGELICA JONES; ANGELICA AYAW PAAWAT

Ngayong Linggo, Marso 27, may mga lihim na  mabubunyag:

Matapos ang matitinding pag-amin ni Angelica Jones sa lie detector test… Illac Diaz may buwelta.

Angelica  ayaw paawat, may mga panibagong rebelasyon sa  naging lihim na ugnayan daw nila ni Illac Diaz!

Exclusive, UPS Heart, ibubuhos ang kinikimkim na saloobin matapos masunugan ng bahay sa kanyang unang live interview  matapos ang insidente!

At pumanaw na komedyanteng si Tomas, nagparamdam sa isang katrabaho para mabigyan ng pera ang naulilang  pamilya? Ang pinakamalalaking exclusives tutukan ngayong Linggo sa “Showbiz Central”! Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply