Journalist ng Reuter patay sa pag-atake sa Iraq

ISANG freelance journalist ng Reuters kasama ang may mahigit 50 katao ang nasawi noong Martes, Marso 29 makaraang umatake ang mga gunmen sa isang local government building sa Tikrit, bayan ni dating Iraqi leader Saddam Hussein.

Nasawi si Sabah al-Bazee, 30, contributor ng Reuters sa Iraq simula pa noong 2004 at isang cameraman din ng ilang mga media organizations, makaraang magtamo ng mga shrapnel sa katawan matapos magpasabog ang mga naturang gunmen, ayon sa kanyang pinsan na si Mahmoud Salah.

Si Bazee ay tubong Salahuddin province, ng Baghdad.

“On behalf of the entire team at Thomson Reuters, I wish to convey our sadness at the untimely death of Sabah al-Bazee,” ayon kay Reuters Editor-in-Chief Stephen Adler.

“He was a valued member of our team in Iraq and will be much missed by colleagues. This tragic incident shows yet again the risks journalists face daily in doing their jobs and to bring news to the world.”

“Our thoughts are with Sabah’s family and friends.”

Nabatid na tinarget ng mga armadong kalalakihan ang mga building housing ng provincial council sa Tikrit. Nakasuot ang mga ito ng Iraqi forces uniforms, may mga car bombs, explosive belts at granada upang makapanakop at kumuha ng mga bihag. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply