Judy Ann Santos nakatali sa ABS-CBN kaya di makatalon sa TV5

NAKATALI ng kontrata si Judy Ann Santos sa ABS CBN, kaya walang posibilidad na magkasama sila ni Ryan Agoncillo sa TV5.

“Nakakontrata pa po ako (sa Dos), hindi pwede pero very welcome naman po ako sa TV5. Good friends naman po ako with Sir Perci (Intalan, TV5’s head ng Creative and Entertainment Production). Na-shake hands ko naman po si MVP (Manny V. Pangilinan, TV5 owner).

“Pero panatag naman ako that ABS-CBN will give me good projects,” saad ng young superstar.

Ukol naman sa hindi niya pagsipot sa finals ng Talentadong Pinoy, humingi ng paumanhin si Juday sa naturang pangyayari at nangakong babawi siya ng bonggang-bongga sa susunod.

“Something came up that was very important noong araw na ‘yon-graduation ni Yohan. So dapat may maiwan sa amin sa bahay kasi may kaunting celebration na magaganap, kahit na sabihin nating ang magtatapos sa amin ay Prep, nakapagtapos ako ng Prep.

“Sobrang apologetic ako sa Talentadong Pinoy kasi they’re family already. Two months before the grand finals, naka-oo na ako sa kanila.

But a week before the finals, sinabi ko sa kanila, ‘Pasensiya na,’ something came up. Naintindihan naman nila ako and I’m very thankful. Sabi ko, babawi ako ng bonggang-bongga,” esplika pa ng misis ni Ryan.

Pagdating naman sa kanyang showbiz career, ipinahayag ni Juday na gusto niyang gumawa ng movie this year at malapit na raw niyang simulan ang Junior Master Chef at baka isa pang show sa ABS CBN.

***

Masasabing bumigay at hindi na nag-inarte si Valerie Concepcion sa kanyang mga daring scenes sa bagong drama series sa TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak. Ang rason, si Richard Gomez kasi ang kalampungan niya rito.

Sinabi ni Valerie na bigay-todo siya sa love scene nila ni Goma. Iyon daw kasi ang hinihingi ng role niya rito na si Violet, ang star ng network na pag-aari nina Phillip Salvador at Richard na kerida rin ng huli.

“Kabit ako ni Mr. Gomez, ‘yun ang sikreto kung bakit ako naging star ng network,” saad ng aktres.

” Richard Gomez iyan, ‘di ba? So, binigay-todo ko talaga. Eh, kasi, nakuhanan na namin. So, talagang todo-todo, walang inhibition. Pati sila Direk Jon Red, nagulat. Sabi ni Ate Ruffa (Gutierrez), papasa ba ‘yan sa MTRCB?’ Ganoon ang reaction niya. Super kissing scene, as in super sexy ng love scene namin eh,” saad pa ni Val.

Aminado rin siyang malaking bagay na si Richard ang ka-love scene niya rito kaya siya pumayag na gawin ang naturang eksena.

“Yes, kasi actually, from the very start naman, iyon naman ang sinabi. Ang character ko, mayroong love scene at kissing scene kay Richard. So, noong malaman ko iyon, ‘yung manager ko, pumayag. ‘O, sige, Richard Gomez ‘yan.’

“Eh, ako naman, basta may trabaho tayo, ‘di ba? Choosy pa ba naman ako, eh Richard Gomez na ‘yun.”

Ukol naman sa usap-usapan na magiging co-host siya ni Willie Revillame sa Willing Willie, sinabi ni Valerie na walang negosasyon hinggil dito.

“There’s rumor kasi siguro, parehong natatanong, but there wasn’t really na… umabot sa negosasyon or formal talaga. Hindi ko nga rin po alam (kung may offer talaga), pero feeling ko, haka-haka lang din po.”

Pero, naghihintay rin ba siya ng offer mismo kay Willie?

“No naman po. Hindi naman po ako nag-e-expect na kukunin ako sa Willing Willie or anything,” saad pa niya.

Kung sakaling kunin siya sa Willing Willie bilang co-host, papayag ba siya?

“Manager pa rin naman po iyong nag-aano ng career path ko. Sa ngayon po, medyo drama po ang tinatahak natin. Pero ako personally, siyempre trabaho po iyan, may anak po ako, so, okay ako, okay ako.

“Pero siguro, ang mga dapat ko rin i-consider… I don’t know, kasi hindi ko rin naman alam kung gusto ako ni Kuya Willie. Parang ako naman ang nag-offer ng sarili ko, ‘di ba?” sabi pa niya.

Idinagdag pa ni Valerie na wala pa raw pagkakataon na nagkita sila ni Willie simula nang mawala ito sa ABS-CBN.

“I’m texting him, pero hindi siya nagre-reply. I don’t know if I have the right number kasi nagpalit daw po ng number,” saad pa ng aktres. Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply