Juggling Act hiyang sa remate

SA PANGALAWANG pagkakataon nanalo si Juggling Act ng hindi binabandera.

Noong Sabado ng gabi, Marso 19, ipinakita ng kabayong si Juggling Act na kaya nitong sumunod lamang sa pacing matapos manalo sa Special Class Divisions 21A-20-19-18A-17-17A race na ginanap sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa Largahan nilundag ni Alexandrina ang unahan habang sinabayan naman ng liyamadong Juggling Act sina Queen Starr at Trinity Moon na nagmamasid lamang sa likuran ng una.

“Mabigat kasi ang dalang peso namin, (Juggling Act) kaya hindi ko sinabayan sa unahan si Alexandrina.” paliwanag ni class A rider Fernando “Dunoy” Raquel rumenda sa winning horse.

Papasok ng far turn ay umuusad na papalapit sa unahan si Juggling Act upang pagdating sa rekta ay kunin nito ang bandera kay Alexandrina na ginagabayan ni many time Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year Patty Ramos Dilema.

Nakapagtala ng 1:12.4 na tiyempo sa 1,200 meter race si Juggling Act kung saan ay tinawid nito ang meta ng may anim na kabayo ang distansya sa nasegundong si Trinity Moon.

Samantala, nanalo si Urgent sa naganap na Three-year-old Special Condition race upang sungkitin ang halagang P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Sumegundo kay Urgent si Mamadontpreach habang tumersero si Señorita Alessi. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply