JV Ejercito nagpa-drug test na rin

SUMAILALIM na sa boluntaryong drug testing sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si San Juan Rep. Joseph Victor “JV” Ejercito.

Ito ay bahagi ng inisyatibo ng 11 kongresista na nagkasundong kusang magpa-drug test sa pangunguna nina Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento at DIWA Partylist Rep. Emmeline Aglipay, Martes ng umaga, Marso 8

“As public office is a public trust, it is expected that we do our jobs with integrity to honor the public trust that put us in office. By taking the drug test, we prove our constituents and the general public that we are fit to serve them free from the influence of illegal drugs,” sinabi pa ni Ejercito.

Maging ang kanyang congressional at district staff ay hinimok ni JV na sumailalim sa drug test.

Sa gitna ng pag-amin ng nagbitiw na si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson na siya ay naging adik sa ipinagbabawal na gamot, hinikayat din ni Ejercito ang ibang neophyte congressmen, maging ang miyembro ng gabinete na sumailalim sa boluntaryong drug testing upang masiguro sa publiko na hindi adik sa ipinagbabawal na gamot ang mga opisyal ng pamahalaan. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply