Private couriers tututukan na rin ng PDEA

TUTUTUKAN na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pribadong courier services na ginagamit ng sindikato sa drug trafficking.

Lumagda ng kasunduan Lunes, Marso 28, sina PDEA Director General Undersecretary Jose Gutierez, Jr. at Atty. Antonio De Guzman, OIC Postmaster General, para pagtulungang sugpuin ang pagpupuslit ng illegal drugs gamit ang koreo.

Magugunitang nahuli ng PDEA ang isang miyembro ng sindikato na tumanggap ng sulat sa Philpost sa Quezon City na naglalaman ng hinihinalang cocaine sa parcel na envelope galing ng ibang bansa.

Tiniyak naman ni Gutierrez na kakasuhan nila ang may-ari ng mga pribadong courier services na mahuhulihan ng mga sulat o bagahe na naglalaman  ng ipinagbabawal na gamut galing sa ibang bansa.

Ayon kay De Guzman, gagamit ng X-ray machine at K-9 dog unit ang kanilang ahensya para mahuli ang mga sindikato na gumagamit ng koreo at parcel sa kanilang operasyon sa illegal drugs.  Alex Ching/Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply