Kaanak ng 2 Pinay na namatay sa NZ, walang benepisyong matatanggap

DINALA na ang labi ng mga Pinoy na nasawi sa magnitude-6.3 na lindol sa New Zealand sa Iloilo, gabi ng Miyerules, Marso 23.

Naging emosyonal ang mga kaanak nina Mary Louise Amantillo at Valquin Bensurto makaraang matanggap na nila ang mga labi ng mga biktima, ayon sa report ng dzBB.

Kaugnay nito, nabatid sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na hindi qualified ang mga kaanak nina Amantillo at Bensurto, kapwa 23-anyos at rehistradong nurse, sa mga benepisyo dahil nabatid na ang visa na ginamit ng mga biktima ay pang-estudyante at hindi pang overseas Filipino workers.

Matatandaang dumating ang labi ng mga biktima sa bansa noong nakaraang Linggo. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply