Kababaihan muling aarangkada kontra RH Bill

TINATAYANG 6,000 kababaihan mula sa iba’t-ibang sektor ang magpapakita ng puwersa upang ipakita ang ang kanilang supota sa kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Ang aktibidad na tinaguriang “Women’s Long March towards the passage of the RH Bill!” ay katatampukan ng pagma-martsa ng anim na kilometro bilang simbolo ng maraming sakripisyo ng mga kababaihan maipasa lamang ang RH bill.

Sinisimbolo rin nito ang 13 taong pagsisikap ng mga kababaihan na maipasa at maisabatas ang panukala.

Ang martsa ay gaganapin sa Martes, Marso 8, mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 3:00, at magmumula sa Commission Human Rights sa Commonwealth Avenue at sasalubungin naman ng grupong magtitipon-tipon sa harap ng St. Peter Parish.

Sa harap ng naturang simbahan ay magsasagawa ng maiksing programa upang ipakita ang pagiging hipokrito ng simbahan na siyang humaharang upang maisabatas ang Reproductive Health at Responsible Parenthood at ang patuloy na sexual abuse.

Bandang alas 3:30 ng hapon ay tutulak ang kababaihan patungong Batasan.

Noong Martes, Marso 1, ay nakatakda sanang isalang sa plenary ang RH bill ngunit nakansela ang sesyon hanggang Miyerkules bunsod ng pagkasira ng aircon ng session hall at kalapit silid gaya ng media center.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang pangunahing may-akda ng panukala na si Minority Leader Edcel Lagman dahil hindi niya inisip na ito ay bahagi ng pagsabotahe sa deliberasyon ng RH bill. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply