Kagawad na naningil ng pautang pinatay

CAVITE – Hindi na mapakikinabangan ng isang konsehal ng barangay ang kanyang mga nasingil na pautang matapos siyang barilin sa ulo sa Brgy. Luzviminda 1, Dasmariñas City Miyerkules ng hapon, Marso 23.

Kinilala ni P/Supt. Gerardo Umayao, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, ang biktima na si Francis Sarraga, 39, kagawad sa kanilang barangay.

Agad namang tumakas ang hindi nakilalang salarin matapos isagawa ang krimen dakong alas-5:00 ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ronald Lorenzo, ang biktima ay nasa tapat ng bahay ng isang Dolores Filio galing sa paniningil at pasakay na sa kanyang motorsiklo nang sumulpot ang salarin at pinaputukan ito sa noo.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may kinalaman ang krimen sa negosyong pautang ng biktima. Rubie Garcia

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply