Kagutuman hahantong sa kaguluhan – Angara

MAGKAKAROON ng malawakang kaguluhan sa Pilipinas kapag umabot na sa milyun-milyong ang dumaraming bilang ng mga nagugutom at naghihirap bunga ng napipintong krisis sa pagkain, babala ni Sen. Edgardo Angara nitong Miyerkules, Marso 9.

Ayon kay Angara, ang posibleng pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas ay maaaring makapagpataas ng halaga ng pagkain, na isa sa mga dahilan ng gulo sa ilang bahagi ng Hilagang Africa tulad ng Egypt at Tunisia.

“Napakahalagang usapin sa ating bansa ang halaga ng pagkain. Walumpung porsiyento ng ating populasyon ang naglalaan ng 60 porsyento ng kanilang salapi sa pagkain, partikular sa bigas,”diin Angara.

Binigyang-diin ng senador na kung walang aksyong magagawa ukol dito ang gobyerno, posibleng sapitin din ng Pilipinas ang gulong nangyayari ngayon sa mga nabanggit na bansa.

Masyado na umanong naisasakripisyo ng taumbayan ang kanilang kalusugan sa oras ng krisis sa pagkain.

“Karamihan sa kanila, bumibili ng mga mumurahin subalit walang sustansyang pagkain. Ang iba naman, bagkus na tatlong ulit sa isang araw silang kumakain, ginagawa na lamang nila itong dalawa o isa,” ayon kay Angara.

Kapag ang kalusugan na ng kanilang pamilya ang nakataya ay hindi tatahimik na lamang ang mga mamamayan.

Dahil dito, nanawagan si Angara sa gobyerno na pasimulan ang isang repormang agricultural, partikular  ang bigas na siyang pangunahing pagkain sa bansa.

Ani Angara, kailangang pangalagaan din ang publiko laban sa mga mapang-abusong grupo na magpapatupad ng product hoarding.  Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply