Kahandaan ng gobyerno sa kalamidad ipinabubusisi sa Kamara

NAGPAHAYAG ng pagdududa ang minorya sa Kamara sa kahandaan ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan sa panahon ng kalamidad.

Inihain ng may 34 na miyembro ng minorya sa Kamara ang House Resolution 1100 na humihiling sa House Committee on National Defense and Security na magsagawa ng imbestigasyon sa kahandaan ng national government at ng National Risk Reduction Management Council (NRRMC) sa pagresolba sa lahat ng uri ng kalamidad na sumasalanta sa bansa at kung epektibo bang naipapatupad ang Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Nakapaloob din dito na ang calamity fund na ngayon ay tatawagin ng NDRRM fund ay gagamitin sa disaster risk reduction o mitigation at sa mga prevention at preparedness activities.

“We echo calls for an objective assessment of our country’s readiness to meet disasters of such magnitude as what Japan experienced. Should a similar scenario happens here, we need to know that our government is prepared.  We in the minority have filed a resolution for an inquiry into the matter,” banggit pa sa isang pinag-isang pahayag ng minorya.

Napakabagal din ayon kay Minority Leader Edcel Lagman ang pagkilos ng embahada ng Pilipinas sa Japan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mabatid kung ilan ang mga Pinoy sa Japan particular sa Sendai.

“We call on our Embassy in Japan to double its efforts in locating all our nationals and extending to them all necessary assistance.” Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply