Kahit dagdag-gastos lang PNoy nat’l games ipipilit ng PSC, POC

BUBURAHIN muna ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang bangayan dito matapos magkasundo na magtuwang para sa PNoy National Games sa May 23 hanggang 29 sa Negros Occidental.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, isasagawa ang national games para makakuha ng mga bagong atleta at magsisilbi na rin umanong qualifying event ng national team para sa iba’t ibang international meets.

Ang bad news naman para sa mga baguhan, lalaro naman dito ang mga nasa miyembro na ng team dahil qualifier para sa Southeast Asian Games ngayong taon.

Subalit sinabi ng mga kritiko na dagdag-gastos lamang ito at dapat umanong tutukan na lamang ang mga nasa hanay na ng national team, hasain nang todo, at bigyan ng magagandang pasilidad.

Nabatid naman na isasagawa ito para sa paghubog ng grassroots at ng elite program, ayon kay POC chairman Monico Puentevella.

Natuklasan naman na dalawampung national sports associations (NSAs) ang nagpahayag na ng kumpirmasyon na lalahok.

Ang events ay kabibilangan ng archery, athletics, bowling, dragon boat, equestrian, women’s football, gymnastics, judo, karate, muay, pencak silat, sailing, sepak takraw, softball, table tennis, taekwondo, tennis, triathlon, windsurfing, wushu, wrestling, at weightlifting.

Una nang tinutulan ng mga kritiko ang pagkakaroon ng isa pang national games dahil sapat na umano ang Palarong Pambansa para makatuklas ng mga bagong atleta para sa national team.

Umaabot sa 3,500 athletes, 450 coaches at 550 officials ang inaasahang lalahok sa nasabing event. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply