Kahit hiwalay na: Kim Chiu niregaluhan pa rin si Gerald Anderson

TWENTY-TWO na si Gerald Anderson nu’ng  March 7 (birthday) niya. Ipinagdiwang niya ito sa mga  kids from Cancer Warrior Foundation.

Itinuturing niyang pinakamagandang regalo ang massage chair na kanyang natanggap mula kay Kim Chiu.

“Siyempre, kahit friends, mag-asawa or girlfriend, marami kayong pagdadaanan na mga gano’n. But ang pinakaimportante at the end of the day, okay pa rin kayo at magiging okay kayo.”

Nag-react din si Gerald sa mga nanliligaw kay Kim ngayon.

“Magandang babae si Kim. Kumbaga, marami talaga ang manliligaw sa kanya. Liligawan talaga siya ng mga lalaki na…

“Kasi, Kim Chiu siya, e. She’s very beautiful, mabait. Kung sino man ang maging boyfriend or ka-date, napakasuwerte ng lalaking ‘yon,” aniya.

Samantala, may natapos gawing pelikula si Gerald, sii Sarah Geronimo ang kapareha niya rito. First time ng dalawa na magtambal sa pelikula. Pero base sa trailer nito,marami ang nagsasabi na may chemistry at mukhang maganda raw ang pelikula.

Pero inamin niya na sobrang nakakakaba para sa kanya dahil naging hit ang mga pelikulang ginawa nina Sarah at John Lloyd. Bukod pa rito, isang award-winning actor ang kanyang sinundan. Ikinukumpara siya kay Lloydie, si Sarah naman ay kay Kim.

“Sobrang pressure. Alam mo ‘yon, kung nasa isang sentence ang isang John Lloyd Cruz at Gerald Anderson, sobra na akong masaya na kinumpara ako doon!” saad pa niya.

“Kumbaga, laging may comparison. Who’s the better actress, who’s the better actor; sinong mas guwapo, sino ang mas maganda. Nakikita ko nga sa Internet may mga gano’ng polls, e. So, ‘yong comparison, nandoon na, hindi na po maiiwasan,” sey pa niya.

Anyway, bukod sa leading man siya ni Sarah Geronimo sa ‘ Catch Me…meron din siyang tv projects na ‘Buhawi Jack’ at ‘Bagwis’.

Makikita rin siya ng mga kapamilya sa  Star Magic US Tour on April 15 at the Shrine Auditorium in LA, April 16 at the San Jose Events Center in San Jose, California and April 23 at the Lincoln Center in New York.

KAREL MARQUEZ, HIWALAY NA SA ASAWA

Sa open forum pa lang ay naramdaman namin na may problema si Karel Marquez sa dating actor/commercial model na si Arman De Guzman  (Arman Go sa tunay na buhay).

Nagkaroon kasi ng presscon para sa mga bagong alaga ni Tita Annabelle Rama na sina Jay Manalo, James Blanco, Bearwin Meily at si Karel.Ngiti lang kasi ang sinagot niya nang tanungin kung suportado ng husband niya ang kanyang pagka-comeback sa showbiz.

Kasama noon si Karel sa cast ng telefantasyang Zaido: Pulis Pangkalawakan nang bigla niyang iwan ang showbiz. Itinanggi niya na buntis na siya that time. Talaga lang daw na nainlab siya.

Nilinaw naman ni Karel sa one on one interbyu na walang third party involved at hindi sila nag-fall out of love na mag-asawa dahil sobrang mahal nila ang isa’t isa.

Nagsimula lang daw ang mga problema at naging magkaiba na ang kanilang priorities sa buhay nu’ng magbalik showbiz siya.

Nu’ng una ay may blessing ng asawa niya ang muling pagtatrabaho niya dahil alam nitong nasa showbiz ang puso niya, pero kinalaunan ay hindi na nito maintindihan ang kanyang trabaho.

Lumala ang sitwasyon nu’ng magtele­serye na si Karel at inuumaga siya ng uwi mula sa taping ng Babaeng Hampaslupa sa TV5.

Hindi sumasagot si Karel kung binubugbog ba siya ng mister niya.

“Ayokong siraan siya, kasi siya ‘yung father ng mga anak ko. At saka alam ko, mahal niya ako. Alam ko, mahal ko rin siya. Pero hindi na kami nagsasama ngayon,” sey niya na halos isang Linggo pa lang siyang umalis sa bahay nila kasama ang mga anak niya.”

-0o0-

Nag-submit ng letter two weeks ago ang kampo ni Gerald Santos sa GMA,asking for the resolution ng kanyang case with Danny Tan na harassment. One year na kasi ‘yun at nakarinig sila  na nakakabalik na sa  naturang istasyon ang nasabing composer. “Gusto lang namin na maging vigilant…kahit masaya na kani with TV5 ngayon,” sey ng kanyang  manager na si Dr. Rommel Ramelo.

Anyway, nagsisimula na ang VisMin tour ni Gerald Santos para sa kanyang “Pinakahihintay” album . Nu’ng March 12 nasa Davao siya. Then, March 20 sa Iloilo; March 27 sa Cebu; April 2 sa Bacolod; at April 9 sa Cagayan de Oro.

Ipo-promote din niya ang Fantastik at ang  segment nila ni Morisette Amon .

“May segment po kami, ang title, Heartbeats,” sey ng tinaguriang ‘Prince of Ballad’.

Ganoon niya kabilis napalitan si Jonalyn Viray? Noong Kapuso pa si Gerald ay sila ni Jonalyn ang madalas na magkasama sa mga production numbers ng SOP  (na ngayon ay Party Pilipinas na).

“Hindi naman po,” tumatawang sinabi ni Gerald. Si Jonalyn, friends naman kami ni Jonalyn, e.  Nagkaka-text-an pa rin, pag may mga shows, nag-iinvite-an pa rin kami to each other.

“Pero ganun na lang, hindi na po nagkikita, e.”

Kuntento na siya sa exposure niya ngayon sa ‘Fantastik’ ng TV5.

“ Basta ang mahalaga po ngayon ako happy po ako. Kasi mae-explore ko ngayon yung talent ko both as a singer and as a perfomer.

“Kumbaga mas ano yun, mas mae-explore ko talaga ngayon and  ganun lang po, trabaho lang po talaga, e. Trabaho lang, walang personalan,” aniya. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply