Kakayahan ng City Security Force kinukwestyon

NAGING kuwestyonable ngayon ang integridad at kakayahan ng  City Security Force ng Maynila bunsod ng naganap na shooting incident sa loob mismo ng Universidad de Manila kamakailan  na ikinasawi ng isang Sanguniang Kabataan (SK) member at malubhang pagkasugat ng isang  SK chairman.

Ayon kay Eunice Ann Denice G Castro, Sanguniang Kabataan Federation president: “We should  observe  the incident in circumspect  and embark on a quixotic quest and demand  a review of the training of all City Security Force (CSF) personnel.”

Magugunitang maluwag na nakapasok umano sa loob ng University campus ang nasawing si Ramon Judiel Lumbad na may dalang baril na ginamit nito sa pagbaril sa kanyang sarili matapos na barilin ang nobyang si Mary Joy Pacheco.

Ito rin ang dahilan kaya nagpasya si Castro na mghain ng resolusyon sa Konseho ng Maynila para kondenahin ang pangyayari at atasan ang CSF, na pinamumunuan ni (ret.) Maj. Nicolas Amparo na maging alerto sa tungkulin nito.

Hiniling din ni Castro sa konseho na rebisahin ang training na  pinagdadaan ng mga tauhan ni Amparo, na siyang  responsable sa pagbabantay sa lahat ng tanggapan at mga sangay ng lokal na pamahalaan sa Maynila. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply