Kamara hati sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani

SINALUNGAT ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez ang pahayag ng ilang kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III na pagtataksil sa mga bayani ng EDSA kung maililibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Binigyang diin ni Benitez na hindi maikakailang isang bemedalled soldier si Marcos bukod pa sa ito ay naging dating pangulo ng bansa at Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines.

“Kung si Secretary Angelo Reyes nga nailibing doon eh.”

Binigyang diin naman ni Sulu Rep. Tupay Loong na “we have to respect everybody’s opinion. But as far as I know the very own building where we are standing now (Batasan Bldg) is a Marcos’ legacy.”

“If we will review our history, I think marami tayong mabibilang. Itong House of Representatives, Kidney Center, Heart Center.  As a human being, everybody is subject to commit mistakes pero sana timbangin natin at tingnan hindi lamang ang masamang ginawa kungdi ang mabuting ginawa.”

Kasunod ito ng pagbatikos ni House Deputy Speaker Lorenzo “Erin” R. Tañada sa mga lumagda sa resolusyon na nananawagan kay Aquino na payagang mailibing na sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni Marcos.

Sinabi ni Tañada na ang paglagda sa resolusyon ay “treachery to the real heroes of our nation and the spirit of EDSA.”

Sa ngayon ay nasa 202 na ang mga kongresistang lumalagda sa resolusyon. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply