Kamara nakidalamhati sa pamilya ng binitay na 3 Pinoy

NAKIDALAMHATI ang Kamara de Representantes sa mga pamilya ng tatlong overseas Filipino workers (OFW) na binitay sa China kaninang umaga.

Naniniwala si Buhay Partylist Rep. Irwin Tieng na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang mapigilan ang pagbitay subalit matatag talaga ang desisyon ng Chinese government.

Sinabi naman ni Quezon City Rep. Winnie Castelo na dapat ay magsilbing babala ito sa iba pang OFWs na iwasan ang pakikipagtransaksyon sa drug syndicates.

Binigyang diin ni Castelo na hindi sana umabot sa ganitong sitwasyon kung naging mahigpit ang pagbabantay sa ating paliparan.

Dagdag naman ni Aurora Rep. Sonny Angara na dapat magsilbing wake up call sa administrasyon na ang kawalan ng trabaho sa bansa ang dahilan kaya kumakapit sa patalim ang mga Pinoy na walang matatag na hanapbuhay.

Ganito naman ang naging pahayag nina Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at Neri Colmenares “kami po ay taus-pusong nakikiramay sa mga kamag-anak at kaibigan ng tatlo nating kababayan na binitay sa Tsina.”

Inudyukan ni Casiño ang administrasyong Aquino na ibalik ang orihinal ang legal assistance fund at iba pang pondong laan sa OFWs na kinaltas ng administrasyon sa 2011 budget.

Umapela rin ang mambabatas na agad repasuhin ng gobyerno ang mga kaso ng OFWs sa ibang bansa. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply