Kamara tuloy ang trabaho sa pagsisimula ng trial ni Merci

HINDI papayagan ng liderato ng Kamara na maapektuhan ang araw-araw na gampanin ng mga kongresista sa pagsisimula ng impeachment trial ni Ombudsman Merceditas Gutierrez sa Senado.

Ito ang tiniyak ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte. Aniya, nasaksihan ng publiko kung gaano kasipag ang mga kongresista ng sa ipinakitang botohan sa impeachment.

Magugunitang 212 ng kabuuang 285 na bilang ng mga kongresista ang pumabor na maiakyat ang impeachment complaint laban kay Gutierrez sa Senado, 46 ang tutol habang apat naman ang nag-abstain at 22 ang hindi bomoto.

Ayon kay Belmonte, magpapatuloy ang direksyon ng kamara batay sa napagkasunduan sa nagdaang Legislative Executive Development Advisory Council (Ledac) meeting na pinangunahan mismo ni Pangulong Benigno Aquino III sa gitna ng iba’t ibang kontrobersiya at kalamidad.

“We are on track and we will remain focused on the priorities set during the recent.”

Sinabi ni Belmonte, inaasahang magiging maiinit ang usapin ng impeachment sa sandaling masimulan na ang pagdinig ng Senado, kung saan ang mga senador ang siyang magiging impeachment justices.

“Even with the coming Senate impeachment hearings, the House will continue to tackle priority measures, especially those which would, in the long term, strengthen anti-poverty and development programs.”

Kasabay nito, iniulat din ni Belmonte na naaksyunan na ng Kamara ang mga legislative priorities ng administrasyong Aquino kabilang dito ang “Rationalizing Nightwork Prohibition on Women,” “Resetting of the ARMM Elections” at ang GOCC Governance Act of 2011 na naiakyat na rin sa Senado.

Sa pagbabalik ng sesyon sa May 9, 2011 ay agad isasalang sa plenaryo ang  panukalang  “Amendments to the Anti-Money Laundering Act” at ang “Defining Maritime Zones of the Philippines.” Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply