Kamatayan regalo sa birthday boy

PATAY ang 27-anyos na janitor matapos na tadtarin ng saksak ng nakalabang grupo habang nagdiriwang ng kanyang kaarawan kaninang madaling araw, Lunes, Marso 28, sa Pasig City

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Danilo Nowallada, ng Avocado St., Lakeville Nagpayong II, Barangay Pinagbuhatan ng nasabing lungsod.

Sugatan din ang kapatid ng biktima na si Nelson at bisitang si Marvin Parpalan, 22-anyos, na parehong ginagamot sa Pasig City General Hospital (PCGH).

Isinugod din sa nasabing pagamutan ang suspek na Randy Genese, nasa hustong gulang, habang naaresto naman ang kapatid nitong si Mark Willy at dalawa pang kasabwat na sina Arthur Olbinar, 20 anyos, at Arnel Demeccillo, 24 anyos, pawang residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-1:30 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng biktima kung saan ito nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Nabatid na habang masayang nag-iinuman ang biktima kasama ang mga kaibigan ay dumaan ang mga suspek na pawing lango na rin sa alak.

Bigla na lamang nagka-initan ang dalawang grupo na nauwi sa “free-for-all” hanggang sa makitang duguang bumagsak ang biktima at sugatan naman ang utol nito at bisita.

Sa himpilan ng pulisya ay mariing itinanggi ng mga suspek ang akusasyon, kung saan sila umano’y natutulog na nang imbitahan ng mga rumispopndeng pulis. Jhie Convocar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply