Kamatayan sa 2 pusakal na miyembro ng hold-up gang

KAMATAYAN ang hatol ng New People’s Army – Albay kina Jeffrey Nerveza ng Brgy. Del Rosario, Camalig, Albay at Sandy Lozano ng Brgy. Maninila, Camalig, Albay noong Pebrero 28 matapos mapatunayan na sangkot  ang mga ito sa mga iligal na krimen.

Ayon sa pahayag ng Santos Binamera Command  ng NPA sina Nerveza at Lozano ay aktibong kalahok sa serye ng mga krimen na isinagawa ng Hold-up Gang na binuo at pinamumunuan ng 2nd IB ng Philippine Army na nakabase sa Brgy. Taplacon, Camalig, Albay.

Ayon sa grupo sangkot ang dalawa sa pag-holdap sa bahay ni Anselma Murillo sa Brgy. Del Rosario, Camalig at paggahasa pa sa anak nitong si Emelita Murillo-Cañaveral noong Disyembre 28, 2010;pagpatay sa Barangay Tanod na si Danny Balala ng Brgy. Panoypoy, Camalig noong Pebrero 11, 2011; pag-holdap sa bahay ni Kgwd. Lourdes Lotino sa Brgy. Panoypoy, Camalig noong Oktubre 16, 2010 at bigong pag-holdap kay Isidro Murillo sa Brgy. Panoypoy, Camalig noong Pebrero 7, 2011

Kabilang umano ang grupo ng dalawa sa tatlong (3) miyembro ng barangay intelligence network (BIN) mula sa magkakalapit na baryo at limang (5) regular na miyembro ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa detachment sa Brgy. Taplacon, Camalig na pinamumunuan ng isang Sgt. Castillo.

Nagsimula umanong maging myembro ng hold-up gang sina Nerveza at Lozano nang marekluta sila bilang BIN ng mga elemento ng 2nd IB PA noong maglunsad ng RSOT sa kanilang baryo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply