Kampanya vs barumbadong tsuper pinaigting

MAS pinaigting pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kampanya laban mga barumbadong driver na walang habas na lumalabag sa batas trapiko sa lansangan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang kampanya laban sa traffic violators ay upang maitatak sa isipan ng mga motorista ang kaligtasan at disiplina sa pagmamaneho ay mahalaga.

Ito ay kasunod na rin ng pagkakaroon ng MMDA ng mga laser speed gun na magpapalakas sa tracking capability ng traffic enforcers partikular na sa Commonwealth Avenue sa Quezon City na tukuyin ang traffic violatord.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad na ang 60 kilometers speed limit sa dami ng banggaan at hit and run cases sa nasabing killer highway.

Sa tulong ng laser speed gun ay magkakaroon ng non-contact apprehension sa violators at padadalhan na lamang ang mga ito ng penalty letter at ang multa ay babayaran sa bangko o sa tanggapan ng MMDA sa Makati City. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply