Kampo ni Lim pumalag kay de Lima

PUMALAG ang kampo ni Mayor Alfredo Lim sa ginawang pagpuna ni Justice Secretary Leila de Lima sa shoot-to-kill order na inisyu ng alkalde sa limang pulis Maynila na inakusahang nangupit ng may P10.6 milyon na ransom money.

Pinayuhan ni Secretary to the Mayor Atty. Rafaelito Garayblas na mas makabubuting pag-isipan na lamang ni de Lima kung papano maibabalik ang nasirang magandang relasyon ng Taiwan at Pilipinas dahil na rin sa ibinigay nitong clearance para sa deportasyon ng 14 Taiwanese nationals sa China.

“She should mind her own business.  If it’s publicity she is after, then she should stop using the name of Mayor Lim,” ani Garayblas.

Ayon pa kay Garayblas, dapat aniyang alam ni de Lima ang limitasyon ng kanyang tanggapan at dapat na i-pokus ang kanyang atensyon sa pagbibigay linaw sa mga anomalyang lumalabas sa mga pahayagan na kinasasangkutan ng immigration bureau na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa.

Ipinaliwanag din ni Garayblas na gagawin lamang ang shoot-to-kill order kung manlalaban ang limang pulis Maynila na pinapaaresto dahil may mga armas din ang mga ito.

“Who does she think she is telling the mayor that he has never learned? The mayor knows exactly what he is doing. Experience-wise and career-wise, she pales in comparison and she has yet to prove her meat.  Wala siya sa kalingkingan kaya ‘di siya dapat umakto na parang mas marunong siya sa lahat,” ayon pa kay Garayblas.

“She has a lot of problems to take care of and yet chooses to meddle in other people’s affairs.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply