Kano huli sa pagtutulak ng cocaine

DALAWANG bigtime na drug pushers ang nasakote sa entrapment operation sa isang parking lot sa lungsod ng Pasig.

Milyong pisong halaga ng cocaine ang nakumpiska sa mga ito matapos makipagtransaksiyon ang mga ito sa mga nagpanggap na buyer na mga awtoridad.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Lorenzo David Layug na naninirahan sa San Lorenzo Village, Makati City at isang American national na si Renz Henry Savarot.

Bandang-6:00 ng gabi nang magsagawa nang entrapment operation sa Parking Lot ng City Golf Plaza sa Julia Vargas Avenue Brgy. Ugong Pasig, City ang pinasanib na puwersa ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force(AIDSOFT) at ng Pasig PNP kung saan ang isa sa mga operatiba ay nakipagtransaksiyon sa mga suspek na bibili nang halagang P100,000 na cocaine.

Nakumpiska sa mga suspek 216 na gramo ng cocaine, dalawang sachets ng marijuana, mga tableta ng cepham at isang 9mm na barilna may magazine na puno ng bala. Jun Ferrer

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply