Kanyunin ang mga druglord nina Sally

SA oras na tinitipa natin ito, alam nating naghahanda na ang Tsina para bitayin sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain.

Ngayong umaga, itatali o ikakadena sila sa kama ng kamatayan at mag-aantay ang mga berdugo ng tawag o kalabit hanggang sa huling sandali.

Suwerte o milagro, mga Bro, kung ang tawag o kalabit ay nagsasabing kalagan sila at lalaya na sila o kaya’y magkaroon ng commutation of sentence gaya ng habambuhay na pagkabilanggo.

Kung wala namang tawag o kung may tawag o kalabit  man pero kautusan na iyon para sa bitay, wala nang milagro riyan. Hindi na rin naging effective ang ating mga dasal.

Parang sa Bibliya rin na hindi lahat ng mga dasal ay pinagbibigyan ng Panginoon.

Dahil ang kamatayan ay hindi lang may leksyon kundi may napakahalagang mensahe. Isa sa mga pinakamahalagang mensahe ay “mag-ingat sa mga druglord na bumibingwit ng katulad nina Sally at gawing courier o tagadala ng droga sa ibang bansa kapalit ng malaking halaga ng salapi.”

Isa pang mahalagang mensahe, mga Bro, ang paghahabol natin sa mga druglord at ang kanilang mga kasabwat at tauhan sa Pinas.

Base sa mga nahuli nina National Bureau of Investigation Director Magtanggol Gatdula, may mga druglord na naririto mismo sa Pinas gaya ng mga tinatawag na West African drug syndicates.

At may mga tauhan din sila na naglalakad, nagre-recruit ng mga courier.

Sayang nga lang at nakawala itong si Mapet Cortez, a.k.a. Tita Cacayan dahil nasampahan lang ito ng illegal recruitment.

oOo

Tutal may nahuli nang mga miyembro ng nasabing sindikato, ano kaya ang pupuwede nating gawin
sa mga ito?

Siyempre, mabait ang ating batas at sinasabing daraan ang mga ito sa due process.

Halimbawang mapatunayang guilty ang mga ito, mabibilanggo sila nang tuluyan ngunit ang tagal
ng parusa ay depende sa kanilang kasalanan.

Pagkatapos, lalaya na sila at ipade-deport na lang sila ng pamahalaan.

Paano yan, mga Bro.

Nabitay sina Sally at sa huli, ang mga sindikatong ito ay magkakaroon ng happy ending?

Kanyunin na lang kaya sila sa Luneta?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply