Kapitan binistay ng communist group

PATAY ang isang barangay captain nang pagbabarilin ng apat hindi nakikilalang mga salarin kabilang ang isang babae na umano’y miyembro ng communist group habang ang una ay nakikipagkuwentuhan sa Navotas, Martes ng umaga, Marso 15.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at mukha si Edwin Abella, ng Banak St., Brgy. North Bay Boulevard South, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-7:30 ng umaga, nakikipagkuwentuhan ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin si Abella.

Bago nagsitakas, isang sulat ang iniwan ng mga suspek na nagsasaad na kaya nila pinatay ang biktima ay dahil sa mga kinakasangkutan nitong kaso tulad ng estafa, paggamit ng dinamita sa pangingisda, sindikato sa paihi ng langis, literal na pang-aalipin, protektor ng droga at panggagahasa.

Nakasaad pa sa sulat na kabilang ang mga salarin sa grupong PARTISANO (Armadong Operatiba ng Partido Marxista-Lenimista ng Pilipinas).

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa krimen. Rene Manahan

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply