Kapos na sa boundary, naholdap pa

HINOLDAP ng dalawang armadong lalaki ang isang taxi driver Martes ng umaga, Marso 29, sa
Pasay City.

Batay sa pahayag ng taxi driver na si Marlito Querimit, 39, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang sumakay sa kaniyang minamanehong MGE taxi na may plakang TYS-594 ang dalawang hindi kilalang lalaki sa kahabaan ng A. Mabini sa Ermita, Manila at nagpahatid sa Pasay City.

Pagsapit nila sa kahabaan ng Aurora ng nabanggit na lungsod, tinutukan siya ng patalim ng mga suspek at inihayag ang panghoholdap.

Wala na umanong magawa ang biktima at sa takot nito ay agad na ibinigay ang kanyang Nokia cellphone at wallet nito na  naglalaman ng P1,200.

Matapos makuha ang pakay, agad na tumakbo ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Ayon sa biktima kulang pa ng P300 ang kanyang kinikita para mapunan ang pang-boundary sa minamanehong taxi nang maganap ang insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply