Kargador ng isda binoga habang natutulog, patay

TULUYAN nang hindi nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang isang kargador ng isda matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki Biyernes ng madaling araw  sa Navotas City.

Natutulog ang biktima kasama ang kaibigan, na umano’y parehong lango sa alak.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril  sa ulo ang biktima na nakilalang si Angelo Moreno, 23, residente ng OTC Consignatin, Market 3, Squatter’s Area, NFPC, ng nasabing lungsod.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang maaresto at matukoy ang pagkakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Richard A. Denopol, may hawak ng kaso, nabatid na dakong 12:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Bago ang insidente, unang nakitang nag-iinuman ang biktima at ang kabigan nito na si Rodolfo Garcia, alyas “Balong,” sa naturang lugar hanggang sa makatulog ang mga ito.

Kasunod nito, isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw dahilan upang magising si Garcia. Nakita ng huli ang isang hindi kilalang taong may tali ng puting towel sa ulo na tumakbo at may bitbit na baril.

Nang tingnan ng ni Garcia ang kabigan ay nakita nitong may tama ng bala sa ulo. Dali-daling dinala sa pagamutan ang biktima, subalit hindi na ito umabot nang buhay. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply