Kasambahay dedo sa anak ng amo

PATAY ang isang kasambahay matapos pagsasaksakin ng anak ng kanyang amo makaraang magtalo ang dalawa sa Caloocan City Lunes ng umaga, Marso 14.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Ma. Rose Felorina, 42, stay-in housemaid Libis Asistio St. sa nasabing lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Ermin Ortiz, 40, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Nestor Arcitio, dakong alas-nuwebe ng umaga ay nagtalo ang biktima at suspek sa loob ng bahay.

Sa kalagitnaan umano ng pagtatalo ay kumuha ng kutsilyo si Ortiz at pinagsasaksak si Felorina. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply