Kasambahay dedo sa anak ng amo

NAMATAY ang isang kasambahay matapos pagsasaksakin ng anak ng kanyang amo makaraang magtalo ang dalawa sa Caloocan City Lunes ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Ma. Rose Felorina, 42, stay-in na housemaid tahanan sa Libis Asistio st.

Sumuko naman sa mga pulis si Ermin Ortiz, 40, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Nestor Arcitio, dakong alas-nuwebe ng umaga ay nagtalo ang biktima at suspek sa loob ng nasabing bahay.

Sa kalagitnaan umano ng pagtatalo ay kumuha ng kutsilyo si Ortiz at pinagsasaksak si Felorina. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply