Kaso ni Ampatuan uusad na sa CA

MAKAKAUSAD na ang kaso ni dating ARMM governor Zaldy Ampatuan sa Court of Appeals (CA) matapos na makumpleto na ang mga miyembro ng binuong Division of  5 na hahawak sa nasabing petisyon.

Ayon sa information division ng CA, kabilang sa mga miyembro ng binuong Division of 5 na may hawak sa petisyon nina Zaldy at Akmad Ampatuan ay sina Justices Jose Reyes, Jr., Noel Tijam, Mario Guarina III, Danton Bueser at Marilyn Gonzales-Sison.

Si Bueser naman ang naatasan na maging ponente sa pagdedesisyon sa nasabing kaso.

Una ng hiniling ng magpinsang Ampatuan sa CA na baliktarin ang ikalawang resolusyon ni dating Department of Justice (DOJ) Secretary Alberto Agra na nagsasama sa kanila sa mga kinasuhan kaugnay sa kaso ng Maguindanao massacre.

Una ng nag-inhibit si Justice Florito Acalino sa paghawak sa kaso noong buwan ng Hunyo ng nakaraang taon subalit nagbitiw ito kung saan ang ipinalit sa kaniya ay si Justice Magdangal de Leon na nag-inhibit din noong Enero 27 sa hindi batid na dahilan. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply