Kaso sa DOJ vs UP judo coaches pinaaaksyunan

HINILING sa Department of Justice (DOJ) ng pamilya ng isang umano’y biktima ng hazing ng tatlong coaches ng Judo Team ng University of the Philippines (UP) na aksyunan agad ang kanilang kaso upang maigawad sa biktima ang hustisya.

Ang kahilingang ito ay kasunod na rin ng pagkakasampa ng mga kasong kriminal laban kina head coach Emmanuel Jingco, assistant coach Sherwin Bacay at assistant coach Edgar Ordillas ng UP judo team dahil sa pananakit sa biktimang si Miguel Enrico Pangalangan, 17-anyos.

Sa apat na pahinang reklamo na isinampa ng batang Pangalangan, anak ni dating UP college of law dean Atty. Raul Pangalangan, nilabag umano ng mga nabangit na respondents ang RA 7610 o mas kilala sa tawag na special protection of children against child abuse and exploitation and discrimination at RA 8049 o anti hazing-law.

Sa reklamo ng batang Pangalangan, noong April 7, 2010, ala-una ng hapon nang simulan ng mga  respondents ang kanilang pagtuturo sa complainant at iba pang mga bagong miyembro ng Judo team.

Nabatid na paghahanda iyon ng grupo para sa Jikji International Competition sa bansang Korea.

Dito umano ay nakatikim sila ng pananakit buhat sa mga respondents na malinaw na paglabag sa mga nabanggit na batas.

Samantala, pormal namang pinanumpaan ng complainant ang kanyang reklamo kasama ang kanyang ama sa harap ni assistant state prosecutor Ma. Cristina Rilloraza. Gilbert Perdez/Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply