Kaso vs 24 Taiwanese nationals, ibinasura

IBINASURA ng Department of Justice (DoJ) ang kasong kriminal na isinampa  ng  NAtional Bureau of Investigation laban sa 24 na Taiwanese nationals kabilang na ang 14 na una ng itinapon sa China.

Inirekomenda  ni acting City Prosecutor Gerard Gaerlan ang  pagbasura sa kasong syndicated estafa at paglabag sa RA 8484 o Access Devices Regulations Act of 1998  na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) at embahada ng China laban sa nasabing mga dayuhan.

Sa resolution sinabi ni Gaerlan  na hindi matibay ang mga ebidensya na inihain ng mga complainant upang sabihin na may probable cause para litisin sa korte ang mga akusado.

Naaresto  ang 24 na Taiwanese nationals  sa magkahiwalay na pananalakay na isinagawa ng NBI sa Makati, Parañaque at Quezon City.

Labin-aapat sa naaresto ang ipinadeport ng govbyerno sa China at hindi sa Taiwan na nagdult ng hindi pagkakaunawaan sa  Piliinas at Taiwan.

Kaugnay nito, naghigpit ang Taiwan sa pagkuha ng mga mga OFW na magtatrabaho roon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply