Kaso vs Katrina Paula isinara na

ISINARA na ng Quezon City Prosecutors Office (QCPO) Lunes, Marso 28, ang preliminary investigation laban sa aktres na si Katrina Paula (Angeline Samonte sa totoong buhay) at dalawa pang karagdagang suspect sa pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista.

Bago ito, naghain ng reklamong carnapping at homicide laban kay Paula, isang Julienne Alyssa Crisostomo at isang Rolando Talban, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa nasabing krimen.

Sa naturang imbestigasyon, ang tanging inamin ni Paula ay lover siya ni Raymond Dominguez, isa sa itinuturong leader ng carjacking gang at pinaratangang mastermind sa pagpatay kay Evangelista.

“The preliminary investigation (against Katrina Paula) and the other respondents is now deemed submitted for resolution,” ayon kay Asst. City Prosecutor Irene Resurreccion na humahawak sa kaso.

Hindi nagpakita sa pagpapatuloy ng imbestigasyon si Paula. Ikinatwiran ng aktres na nakapagsumite na siya ng counter-affidavit na tahasang itinatangging may kinalaman siya sa pagpaslang kay Evangelista.

Wala kahit isa kina Crisostomo o Talban ang nagpakita sa imbestigasyon para sagutin ang kaso laban sa kanila.

Dumalo ang CIDG sa preliminary investigation pero hindi sila nagsumite ng anumang sagot o karagdagang ebidensiya laban sa aktres at sa kanyang kapwa respondents.

“Because of their (respondent’s) failure to appear we will resolve the case based on the available evidence. But that does not mean they would automatically be indicted. Our recommendation would be based on the evidence,” sabi pa ni Resurreccion.

Nakatakdang isumite ang rekomendasyon ni Resureccion sa susunod na linggo. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply