Kaso vs recruiter ni Sally itinakda sa Abril 4

ITINAKDA na ng Department of Justice (DOJ) sa Abril 4 ang preliminary investigation sa kasong kinakaharap ni Mapet Cortez o Tita Cacayan, ang recruiter ng nabitay na overseas Filipino worker (OFW) na si Sally Ordinario-Villanueva.

Ayon kay Senior State Prosecutor Lilian Doris Alejo, magsasagawa na ng imbestigasyon sa reklamo laban kay Cacayan makaraang inilabas ng DOJ ang subpoena laban dito para sa isasagawang imbestigasyon.

Si Cacayan ay hinuli noong Pebrero ng NBI agents sa Isabela dahil sa pagre-recruit kay Villanueva subalit walang warrant of arrest laban sa kanya kaya hindi ito maaaring ikulong hangga’t hindi nakapagpasya ang korte na maglabas ng warrant of arrest.

Si Cacayan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Migrant Workers Act of 1995 at paglabag sa Trafficking in Persons Act.

Inatasan ng DOJ si Cacayan na magsumite ng counter affidavit kaugnay sa kinakaharap na reklamo.

Samantala, hinihintay na rin ni Justice Secretary Leila de Lima ang ulat sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Cacayan.

“I understand that in the process of the NBI’s interrogation kay Cacayan, they got more information that needs to be verified further kaya ongoing pa ang investigation dito,” ani de Lima. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply