Katarungan sa pagpatay sa lady broadcaster pinamamadali

MARIING nanawagan ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na madaliin ang pagresolba sa pagpaslang kahapon (Marso 24)  sa isang lady broadcaster sa Malabon City.

Ito ay makaraang umamin ang PNP na nangangapa sila sa mga suspek na pumaslang sa anchorwoman ng DZME na si Len Flores Somera, 45.

Gayuman, nagpahayag ng pag-asa si KBP National Chairman Hernandez Basbanyo na malulutas ng pamahalaan ang patuloy na pamamaslang sa mga miyembro ng media sa bansa.

Kahapon ay tumimbuwang ang biktima makaraang barilin sa batok ng hindi nakilalang salarin habang naglalakad patungo sa tanggapan ng DZME. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply