Katrina Paula: Hindi ako kriminal

“HINDI ako kriminal.”

Ito ang naging tugon ng starlet na si Katrina Paula O Angeline Samonte sa tunay na buhay sa kanyang isinumiteng counter-affidavit na humihiling na idismis ng QC court ang kasong carnapping at homicide na kinakaharap sa Quezon City Prosecutors Office, Lunes ng umaga, Marso 21.

Noong Pebrero 24, 2011, kinasuhan ng kriminal ng PNP Criminal Investigation and Detection Group si Paula at dalawang iba pa kaugnay ng pagkakasangkot nito sa Dominguez carnapping group na siyang itinuturong umano’y utak sa pagdukot at pagpatay sa car dealer na si  Venson Evangelista.

Si Paula ay lover ni  Raymond Dominguez, ang umano’y  lider ng notorious carjacking group.

Sa kanyang apat na pahinang affidavit, sinabi ni Paula na dapat i-dismiss ang kaso laban sa kanya dahil hindi naman makumpirma ng pulis ang pagkakasangkot niya sa pagkamatay ni Evangelista at ang tanging katotohanan lamang ay ang maging lover siya ni Raymond.

Niliwanag din ng kampo ni Paula na ang pagtanggi niyang magtungo sa imbitasyon ng pulis ay hindi isang uri ng krimen.

Nakasaad din sa affidavit nito na siya ay nasa premises ng TV5 mula 3:00  hanggang 10:00 ng gabi noong Enero 13,  2011  bilang guest sa variety show na  “Willing Willie” at ito ay papatunayan ng naisumiteng affidavit ni Richard Pinlac, na isang empleyado ng TV5.

Bukod kay Paula, dawit din ang isang Julianne Alyssa Crisostomo, umano’y  girlfriend  ni Roger Dominguez na kapatid ni Raymond at isang  Rolando Mendoza.

Bukod sa magkapatid na  Dominguez, ang ilan pang kinasuhan kaugnay ng Evangelista kidnap slay case ay sina Jayson Miranda, Ferdinand Parulan, at  Alfred   Mendiola, sa  sala ni QC Regional Trial Court Branch 215. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply