Katulong ng pamangkin ni La Oropesa, biktima ng Budol-Budol gang

HINIHINALANG nabiktima ng Budul-Budol Gang ang katulong ng pamangkin ng aktres na si Elizabeth Oropesa makaraang mawala kasama ang mga anak ng una tangay pati ang pera at alahas nito.

Ayon sa pamangkin ng aktres na si Elena Oropesa, bandang 3:00 pm, Marso 9, pa nawawala ang kanyang katulong na si Monica Custodio, tangay ang kanyang mga anak, P21,000 na pera, lahat ng kanyang alahas na nakalagay pa sa jewellery box. Bandang 7:00 na nang umuwi ang mga ito.

Ayon sa salaysay ni Custodio sa Unang Hirit, may babaing tumawag sa telepono sa kanilang condo unit na pinapaalam na naaksidente ang kaniyang amo.

Inutusan umano siya ng babae na kunin ang mga pera at alahas sa cabinet ng amo at ihatid sa isang lugar, isama na rin ang mga bata.

“May tumawag po sa akin, may nangyari sa aking amo, gumawa raw ako ng paraan para makuha ang pera sa may cabinet pati alahas, dalhin ko rind aw po ang mga bata,” ayon pa kay Custodio.

Tinitingnan ng pulisya na Budol-Budol ang bumiktima kay Custodio.

Nasa San Juan police station si Custodio para masusing maimbestigahan sa nangyaring insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply