Kawatan nakaramdam ng pag-ebak habang tinutugis

PUNO ng pagsisisi ang isang holdaper kung bakit siya nagpakabusog bago mangholdap ng isang negosyante sa Caloocan City Martes ng gabi.

Habang tinutugis ng mga tanod si Jorge Medel, 34, ay nakaramdam ito ng pag-ebak.  Wala itong nagawa kundi ang magbagal sa pagtakbo kaya’t agad siyang nasakote.

Sa presinto ay nakiusap pa ang masibang suspek na makagamit ng kubeta bago ito ipasok sa kulungan.

Nauna rito ay tila dagang dumaan ang suspek sa likod na pintuan ng tindahan ng biktimang si Juanito Domigpe, 47,  sa Barangay Llano sa nasabing lungsod.

Tinutukan ni Medel si Domigpe ng patalim at mabilis na nilimas ang mahahalagang gamit ng biktima  bago tumalilis.

Nang makakita ng pagkakataon ay humingi si Domigpe ng saklolo sa mga barangay tanod, na agad tumugis sa kawatan.

Hindi sila nahirapan sapagka’t sa gitna ng habulan ay nakaramdam ng pagdumi si Medel at halos nagpahuli na lamang sa mga tumutugis sa kanya.

Ngunit hindi na nabawi ang mga gamit ni Domigpe dahil ipinapalagay na naipasa na ng suspek ang mga ito sa mga kasabwat niya. Merly Iral

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply