Kaya di makauwi: Nora Aunor puro pangako ang natatanggap

SI GERMAN MORENO ang sinisisi dahil sa kanya nagmula ang balitang babalik na ng bansa si Nora Aunor pero walang kaganapang nangyari hanggang ngayon.  Niliwanag ni Kuya Germs and isyu kamakailan sa isang panayam.

Cool lang sa pagkakaupo ang Master Showman nang sabihin nitong may mga naipangako sa Superstar na hindi natupad ng mga taong gusto siyang pabalikin sa showbiz. Paano naman daw siya makakauwi kung wala naman itong natanggap na plane ticket at wala naman daw itong dadatnan na TV project gaya ng naipangako sa kanya.

Dagdag pa, saan titira ang aktres dahil wala na siyang tahanan dito, walang sasakyan at may pangakong tutulungan siya doon sa kanyang pagdedemanda sa isang Japanese surgeon na nag-opera sa kanya para magmukhang bata na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang singing voice.

Sa puntong ito, walang kredibilidad na nawala kay Kuya Germs dahil desidido naman talaga ang Superstar sa kanyang pagbabalik.  Ang naging hadlang nga lang, hindi tinupad ang pangako dito.

May bago namang tutulungan si Kuya Germs at talagang ‘a must’ para sa kanya dahil may ilang talents siya na miyembro ng bagong grupo na regular na napapanood sa Walang Tulugan, ang XLR8.

Nagkaroon kami ng pagkakataong makausap si Carlo Lazerna, ang pinakamatangkad sa grupo, 19 years old mula sa Cavite.  Siya ang nakaisip sa pangalan ng kanilang grupo ang XLR8 na ang ibig sabihin ay ‘excelerate.’  Aniya, uso ngayon ang maiigsing titulo o pangalan ng grupo kaya ito ang naisip na ang ibig sabihin ay ‘mabilis.’

Isa si Carlo ang nakitaan ng potensyal sa grupo ng mga bagets na maging big star at matinee idol wannabe dahil hindi lang siya kumakanta’t sumasayaw, umaarte na rin siya.  Halata mong seryoso siya sa kanyang pinasok na propesyon dahil talagang huminto muna ng pag-aaral para maka-focus sa pagkanta with a promise, na ipagpapatuloy pa rin nito ang pag-aaral.

ALVIN FORTUNA,  AANDAP-ANDAP NOON PERO HANDA NA NGAYON MAGPA-SEXY

Kung noong ay hirap mag-desisyon si Alvin Fortuna kung tatanggapin nito ang mga offer na indie films na kailangan nitong magpa-sexy, ngayon ay handang-handa na siyang maghubad sa pelikula.  Marami siyang inayawang alok noon lalo na gay films dahil hindi nito kayang makipagtalik o makipaghalikan sa kapwa lalaki.  Hindi naman siya laking kumbento at lalong hindi siya against sa gay movies pero talagang hindi niya linya ang ganitong mga eksena.

Isang kilalang commercial model si Alvin at may mga important role na rin siyang nagampanan sa pelikula at teleserye kaya kelangan wholesome ang kanyang image.  Aniya, “Wholesome ang image ko kasi nagko-commercial ako.  Iniingatan ko lang yung nasa contract, may clause kasi doon na bawal ang ganung pagpapa-sexy. Kaya ngayon, pinipili ko ang ginagawa kong indie.”

Ayon pa rin sa kanya, handa na siya sa eksenang romansahan at magpakita ng pang-itaas na katawan pero kelangan babae ang kanyang partner.

Sa punto ito ay nagtawanan kami pero hindi puwedeng lakasan ang halakhak kasi nasa loob kami ng Cerchio Grill & Lounge sa may Scout Limbaga Street, Quezon City. Isa pala siya sa co-owners ng nasabing negosyo at maganda ang paligid ng lugar.  Classy at swak sa mga birthday party, product launch, presscon at iba pang events.

Kakaiba ang lasa ng kanilang luto, distinctively tasteful na tiyak babalik-balikan.  Ang isa pang puwedeng babalik-balikan ay ang pagkakataong hindi mo alam ay ka-rubbing elbows mo na pala ay mga celebrities dahil ang Cerchio ay located sa sentro ng Kapamilya at Kapuso networks at dinadayo rin ito ng taga-Kapatid network.  Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply