Kaymer bagong hari sa golf

ISANG German National ang bagong world no. 1 sa larangan ng Golf. Ito ay sa katauhan ni Martin Kaymer.

Naungusan ni Kaymer si Lee Westwood na kumuha ng trono ni Tiger Woods noong October 31, 2010. Nakuha ng golfer ang world number one matapos siyang umabot sa finals ng WGC Matchplay nitong nakaraang linggo.

Sa naturang torneo natalo ng german kay Luke Donald ng England.

Si Donald naman ay umakyat sa ikatlong puwesto. Si US Open champion Graeme McDowell ay nasa ika-apat na puwesto narin makaraan ilaglag nito si Woods na nasa ika-limang posisyon na.

Ito na ang pinakamababang ranking na nakuha ni Tiger simula noong 1997 nang manalo siya sa US Masters Championships.

World Top 10
1. Martin Kaymer (GER) 8.36pts
2. Lee Westwood (ENG) 8.16
3. Luke Donald (ENG) 6.64
4. Graeme McDowell (NIR) 6.44
5. Tiger Woods (USA) 6.32
6. Phil Mickelson (USA) 6.23
7. Paul Casey (ENG) 6.02
8. Rory McIlroy (NIR) 5.65
9. Steve Stricker (USA) 5.49
10. Matt Kuchar (USA) 5.20

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply