KC kailangan may appointment muna bago mai-date si Piolo

MAHIRAP paniwalaan ito Madam Eve na kailangan makipag-appointment si KC Concepcion kay Piolo Pascual bago sila magkaroon ng date. Dapat libre ang aktor sa gustong oras at araw na gustong maka-date ng aktres.

Kung tutuusin, masayang sinasabi ng aktor na talagang mahal na mahal nito ang aktres at sobrang na-flatter naman si KC sa pagpapahalaga sa kanya ng aktor. Kaya lang, bakit kailangan by appointment ang date ng dalawa? Di ba dapat ay may oras talaga sila sa isa’t isa?

Kaya lang bakit may drama umano na nag-iimbistiga muna ang aktres bago siya makipag-date kung sino ang kasama ng aktor at kung saan ito naroroon.

We are sad sa ganitong eksena kung totoo ito dahil isa kami sa naging masaya sa pag-amin ng aktor on a national TV na magsyota na sila ng aktres at tumatakbo na sa tatlong buwan ang kanilang relasyon.

Sa Juicy ng TV5 ay doon namin nalaman ang mga detalyeng ito at bilib kami sa tinuran ni Cristy Fermin na hindi siya naniniwalang may relasyon ang dalawa.  Ito ay bilang sagot sa tanong ni Mo Twister kung hanggang saan magtatagal ang relasyon ng dalawa.

Ayon naman kay IC Mendoza, base umano sa Tweeter ng aktres ay nabasa doon na mas maganda daw ang ibang magsyota dahil palaging magkasama pero sa kaso nila ni Piolo, hindi nito alam ang kinaroroonan ng syotang aktor.

GERALD SANTOS, NAABOT NA ANG ‘PINAKAHIHINTAY’ NA PANGARAP PAGKATAPOS NG UNOS

Nasa ‘cloud nine’ ngayon ang pakiramdam ni Gerlad Santos pagkatapos ng kanyang matagumpay na unang leg ng kanyang promo tour sa Visayas at Mindanao na may kinalaman sa kanyang album, ang “Pinakahihintay … The Repackaged Edition.”

Masayang naikuwento ng batang mang-aawit na talagang dinumog ang kanyang show sa SM Davao noong Sabado, March 12, 2011.  Kaya naman, inaasahan nito na ang kanyang susunod na show sa SM Iloilo sa March 20 at SM Cebu sa March 27 ay dudumugin din ng fans. Mayroon pa siyang show sa SM Bacolod sa April 2 at SM Cagayan de Oro naman, sa April 9.

Natupad din ang kanyang pangarap na magkaroon ng regular show sa TV5 dahil kasama siya sa Fantastik tuwing Sunday at maliban dito ay pinag-aaralan ngayon ng management kung saang show siya puwedeng isama.  ‘Ika nga, after the rain, there’s the sunny day, ito ang nangyayari ngayon kay Gerald at masaya kami sa kanyang gumagandang takbo ng kanyang karir.  Isa-isa nang natutupad ang pangarap ng kanyang manager na si Rommel Ramilo na maging Prince of Balladeer ang alaga hopefully, maka-level nito ang mga batikan nating mga mang-aawit ng bansa. Alex Datu

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply